Thursday, July 26, 2007

An insane, freaky and paranoid college student

I got this from the friendster bulletin Gracy posted.

It's a sort of an expose. Please read.

Anak,

Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin.

Ang mahal pla ng kursong DOTA, wala na din pla tayong baboy naibenta na din para dun sa sinsabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun.

Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na ang iyong instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo.

Anak komportable ka ba jan sa boarding house mo? san ba kamu yan...? sa VICTORIA COURT - maganda ba jan? di ba mainit jan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL?, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian natin sa sanglaan.

Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat sya sa pag da-drive.

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal


Itay at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

2 comments:

ice said...

mag aral ng mabuti.
maawa sa magulang! hehe!

Anonymous said...

oh my gosh kung may totoong studyanteng ganun, nakakaawa naman ung mga magulang nun, maluhong bata ay... tsk tsk tsk

natawa akong nabanas tsk tsk tsk